OPM: Kahit Saan, Kahit Kailan
Error
Search
Close this search box.

BUHAY NG MGA OFW

Facebook
Twitter
Pinterest
LinkedIn
Email
Print

Marami sa atin ang di nakakaalam ang tunay na buhay ng mga OFW…Maraming nagsasabi na mayaman daw sila…dahil ba dollars kinikita nila…Pero ang totoo naman ay hindi dahil halos lahat ng sweldo nila pinapadala din nila sa Pinas…Sa magulang, mga anak, kapatid at kamag-anak at mahal sa buhay…Halos di na nga sila magtira para sa sarili nila mapagkasya lang…Kasi gusto nilang mabigyan ng magandabg kinabukasan yung mga naiwan nila sa Pinas…  Buti nga ang mga nasa Pinas kumakain sila sa oras, pero yung mga OFW malimit sala sa oras dahil sa dami ng gawain…Minsan nga 2 beses lang sila kumakain, pag may tinapay at kape o noodles ok na…Kasi wala na silang time magluto pa sa sobrang pagod sa maghapon na trabaho…Maswerte yung mga OFW na mababait ang Amo kung anong kinakain nila siya ding kinakain nya…Pero minsan di rin makakain kasi walang gana dahil di yung kapamilya nila ang kasalo sa mesa…May iba naman itinutulog na lang dahil pagod na pagod dina nakuhang kumain nalilipasan na ng gutom…  Ang isang pang matinding dinaranas ng mga OFW eh yung pag nagkasakit wala man lang nag-aalaga sa kanila buti pa yung nasa Pinas may tumitingin at nagpapainom ng gamot may umaalalay pag di ka makakilos may nagpapakain at naglilinis sayo pag di mo kaya…Samantalang ang mga OFW minsan kahit may sakit ka kailangan mong bumangon ng maaga kasi may trabaho ka…Wala kang aasahan na kapamilya mo may kaibigan ka man pero busy rin naman sa trabaho nila…Pag nagkasakit ka SARILI mo lang din dadamay sa’yo…Ganyan kahirap ng buhay ng mga OFW nagpapakatatag at nagtitiis para sa mga mahal nila sa buhay…  Minsan pinipilit na lang nilang maging masaya lalo na pag nahohomesick sila yun ang matindi dahil walang gamot doon…Buti na lang at may FB , SKYPE, CELLPHONE, kung saan pwede nilang makausap yung mga nasa Pinas…Nababawasan ng konti yung lungkot mo pero habang nakikita mo silang nagtatawanan at magkakasama di mo maiwasang mapaluha…Kasi naiingit ka na sana kasama mo rin sila di ka malayo sa kanila…Pero wala kang magawa kailangang kumayod eh kailangang tiisin yung sigaw ng amo para lang may maipadala ka sa kanila… Ang masakit nyan pag di ka nakapagpadala pag-iisipan ka nila ng masama magagalit sila sa’yo kung anu-ano sasabihin…Lalo na pag may mga okasyon tulad ng PASKO, BAGONG TAON dapat makapagpadala ka di man lang nila naisip kung masaya ba ang Pasko mo dyan , kumakain ka ba sa oras, nakakatulog ka ba ng mahimbing?..basta ang mahalaga lang sa kanila ay makapagpadala ka…Pero balewala lang sa’yo ang lahat kasi sa kanila ka din naman humuhugot ng lakas eh kaya tiis lang talaga…Ang mahalaga lahat ng ginagawa mo ay para sa kanila… Sa mga OFW sa buong mundo…MABUHAY po kayo… Kayo ang mga tunay na BAYANI ng mga FILIPINO…

By: VAL KHULIT AGUILERA

Facebook
Twitter
Pinterest
LinkedIn
Email
Print
Related Articles

A journey of a new life

“There is a time for everything and a season to every activity under the heaven”. This is a verse from the Bible which has really encouraged and helped me for

Who Will Be The Magic Five?

WHO ARE YOUR PICK FOR THE MAGIC FIVE? Yes, we are talking about the Tinig Pinoy’s Calendar Girl 2021 Grand Finals. The competition is extremely close as TEN BEAUTIFUL WOMEN

KASARINLAN 2021 VIRTUAL CONCERT

Isang lahi, isang bansa, isang pangarap: Masagana, Matiwasay at Maligayang Buhay. Yan ang adhikain ng maraming Pilipino saang bahagi man ng mundo siya naroroon. Kabayan, samahan po ninyo kami sa

30 YEARS AND COUNTING

Proud to share this simple memento of Tinig Pinoy’s 30 years TINIG PINOY’s 30TH Anniversary Celebration is happy to share to everybody the souvenir program produced especially for this occasion.