OPM: Kahit Saan, Kahit Kailan
Error

Candidate for Miss May TPR Calendar Girls 2014 – Kt Annmae Obeja

Bago po ang lahat ay nais ko munang batiin ang Tinig Pinoy Radio sa ika-dalawang taong Anibersaryo at dalawang taong paglilingkod at pagbibigay ng tuwa at pag-asa sa aming mga OFW.

Mula sa Pinoy Katamberkz Int’l -Chacharap team ako ay si Mae Ann A. Obeja. Kasalukuyan akong naninirahan sa lungsod ng Sapang Dalaga, Misamis Occidental, Philippines.

Ako ay 35 years old at pinanganak noong Mayo 2, 1979. Panganay ako sa tatlong magkakapatid at anim na taon ng biyuda na may dalawang anak. Tagalog, English at Bisaya ang aking natutunang lengwahe. Ako ay nakapag-tapos sa kursong Bachelor of Science in Elementary Education.

At dahil sa hirap na makahanap ng magandang trabaho at sapat na sahod sa Pilipinas, ay mas minabuti kong mangibang bansa upang maituguyod ang pag papalaki at pag papa aral sa aking mga anak at makatulong na rin sa mga kapatid. Sa ngayon ako ay pinalad na makapag trabaho dito sa Singapore na mahigit na tatlong taon na ngayon.

Isa pong karangalan ang makasali sa Miss May Calendar Girls 2014 na isa ring paraan upang maipakita namin ang aming angking talino at talento na makapag bibigay din ng kasiyahan sa lahat. Pag awit ang aking ipapamalas na talento sa inyo.

Maging isang mabuting halimbawa sa mga kaibigan at sa lahat ng mga miembro ng TINIG PINOY RADIO at may katangiang makatao, mapag mahal sa kapwa, matulungin, at may takot sa Diyos ang ilan sa dahilan ko upang ako ay sumali sa Miss May Calendar Girls 2014.

 

Related Articles

Who Will Be The Magic Five?

WHO ARE YOUR PICK FOR THE MAGIC FIVE? Yes, we are talking about the Tinig Pinoy’s Calendar Girl 2021 Grand Finals. The competition is extremely close as TEN BEAUTIFUL WOMEN

KASARINLAN 2021 VIRTUAL CONCERT

Isang lahi, isang bansa, isang pangarap: Masagana, Matiwasay at Maligayang Buhay. Yan ang adhikain ng maraming Pilipino saang bahagi man ng mundo siya naroroon. Kabayan, samahan po ninyo kami sa

30 YEARS AND COUNTING

Proud to share this simple memento of Tinig Pinoy’s 30 years TINIG PINOY’s 30TH Anniversary Celebration is happy to share to everybody the souvenir program produced especially for this occasion.

On Tinig Pinoy's 30th the future is clear

Tinig Pinoy Celebrates 30th

After years of promoting our cultural heritage, undertaking community service-oriented actvities with the help of volunteers this long-running radio program in Canada’s capital is holding a Gala to celebrate with