Tinig Pinoy Radio

OPM: Kahit Saan, Kahit Kailan
Error
Search
Close this search box.

Essay of Angeline Ocusan Ali

Facebook
Twitter
Pinterest
LinkedIn
Email
Print

Essay of Angeline Ocusan Ali

YOLANDA

Sinubok man tayo ng panahon at kalamidad bilang isang PILIPINO na nag mahal sa kanyang bansa. Ipinakita ang isang malakas at matagumpay na pag babayanihan at pagkakaisa ng sambayanan, dayuhan man o prestihiyosong tao sa ating lipunan. Madami man ang naging pinsala sa ibat ibang parte ng Visayas sa tibay ng loob at pananalig ay pilit pa rin nakatayo ang ating kababayan sa hagupit ni bagyong yolanda. Madaming kurukuro at naging usapin sa proseso sa pag abot ng tulong at tuluyang pag limot sa mga nangyari ngunit ang tanong ng mga nakakarami ilang taon pa ang gugulin bago bumalik sa normal ang kanilang buhay.

Kung minsan sa nakikita ko sa mga telebisyon at sa ibang social media na naghatid ng impormasyon ako’y nalulungkot sa mga naging sitwasyon kung san ang ating kababayan ay babalik sa kahinanatnan na walang wala swerte pang sabihin ang buo ang pamilya. Sabi nga ng nakakarami mga 5 taon o higit pa ang gugulin para manumabalik ang ganda at kaayusan ng lugar ng kabisayaan. Bilang isang indibidwal malaki ang ating maitutulong para mapadali na masaayos ang kalagayan ng ating mga kababayan. Sa paraan na maliit man o malaki, may pera man o wala eh tayo mismo ay makakatulong. Lahat tayo ay may magagawa sa kahit maliit na singko, sa kapirasong damit, noodles o kahit ang ating presensya ay magiging silbi upang ipagpatuloy nila ang kanilang buhay.

Kung titingnan natin ginawa tayo upang gumawa ng paraan, may sariling kalakasan at pananalig sa poong maykapal ang simpleng dasal ay malaking bagay ang magbigay kasayahan sa mga nabiktima ang paghatid ng tulong pinansyal o kahit sa simpleng pagtulong sa kanila na naaayon sayong gusto. Kaya wag natin maliitin ang ating pagbigay tulong dahil para sa akin ang pagtulong ay iisang resulta lang ang patutunguhan at ito ang isang matagumpay na bansa, puno ng pag asa at may ngiti na nakaukit sa knilang mga labi.

Kung tayo bilang isang simpleng indibidawal ay may nagagawa ano pa kaya ang pwedeng magawa ng ating pamahalaan. Alam natin na malaki ang maitutulong ng pamahalaan pero ang katanungan ng mamayang pilipino eh paano mapabilis ang pagbangon ng naturang lugar simple lamang ipaabot ang tulong sa mga nangangailangan at sana sa oras ng ganitong krisis walang mananamantala ng kanilang trono sa lipunan. Sana masaisip muna ng ating pamahalaan ang kapakanan ng ating mga kababayan bago ang kanilang sariling kapakanan.
Maraming maraming salamat po sa Lahat ng mga bumubuo ng Tinig Pinoy Radio.Lalong lalo na sa ating Executive Producer And Founder Sir Dan De Castro. Ako Talaga’y masaya sa pakkinig ng mga Programa dito sa TINIG PINOY RADIO…MABUHAY po tayong lahat!!! God Bless Everyone!!!

Facebook
Twitter
Pinterest
LinkedIn
Email
Print
Related Articles

A journey of a new life

“There is a time for everything and a season to every activity under the heaven”. This is a verse from the Bible which has really encouraged and helped me for

Who Will Be The Magic Five?

WHO ARE YOUR PICK FOR THE MAGIC FIVE? Yes, we are talking about the Tinig Pinoy’s Calendar Girl 2021 Grand Finals. The competition is extremely close as TEN BEAUTIFUL WOMEN

KASARINLAN 2021 VIRTUAL CONCERT

Isang lahi, isang bansa, isang pangarap: Masagana, Matiwasay at Maligayang Buhay. Yan ang adhikain ng maraming Pilipino saang bahagi man ng mundo siya naroroon. Kabayan, samahan po ninyo kami sa

30 YEARS AND COUNTING

Proud to share this simple memento of Tinig Pinoy’s 30 years TINIG PINOY’s 30TH Anniversary Celebration is happy to share to everybody the souvenir program produced especially for this occasion.