Tinig Pinoy Radio

OPM: Kahit Saan, Kahit Kailan
Error
Search
Close this search box.

HINDI KATULONG LANG

Facebook
Twitter
Pinterest
LinkedIn
Email
Print

BUHAY KATULONG…ito ang buhay ko/ ito rin ang bumubuhay sa pamilya ko.. kaya pinapahalagahan ko ng buong puso.. IKAW KATINIG GANITO KA RIN BA???

Ito ang mga katagang ayaw nating marinig. Ito’y insulto sa ating pagkatao kaya’t ang iba sa atin ay pilit itong tinatago sa ating mga kababayan. Ngunit, baligtarin mo man ang mundo, ang katotohanan ay di mababago. Mapait mang tanggapin… tayo’y katulong lang. 

Sa kabila ng trahedyang ito, maniwala kayo, tunay na mapalad tayo. Dahil kung susuriin natin, tayo’y hindi lang basta katulong. Tayo’y mga espesyal na taong may di matatawarang dangal…

Mapalad tayong naglilinis sa mga bahay ng ating amo, tayong naglalaba ng mamahalin nilang damit, at nagluluto ng kanilang maselang pagkain. Tayo’y hindi lang katulong, tayo’y kanilang KATIWALA. 

Mapalad ang mga dayuhang natutulog sa ilalim ng iisang bubong ng pamilyang di kaanu-ano, nagbabantay habang sila’y nagpapahinga, tayong naiiwan habang sila’y nasa trabaho. Tayo’y hindi lang katulong, tayo ay kanilang KASAMBAHAY. 

Mapalad tayong nag-aalaga sa kanilang ulyaning mga magulang, tayo ang nagpapakain sa kanilang mga aso, nag-aasikaso sa kanilang mga anak at mahal sa buhay. Tayo’y hindi lang katulong, tayo ay kanilang KAPAMILYA.

Tayo iyong mga hinihingahan nila ng kanilang mga sama ng loob, tayo mga sinasabihan ng kanilang mga kuwento at pangarap sa buhay. Tayo’y hindi lang katulong, tayo’y kanilang KAIBIGAN

Mapalad yong hindi pa sumusuko ngayon, mga nakukuha pang ngumiti at magsumikap sa kabila ng hirap ng buhay, yong kayang batahin ang lahat ng trabaho kahit masasabing nakakahiya. Tayo’y hindi lang katulong, tayo ay ULIRANG PILIPINO

Mapalad ang nahiwalay nang maraming taon sa ating pamilya, at  mag-isa ngayon sa lungkot ng isang bansang banyaga, tayong mga umiiyak sa pagod, dami ng problema at lamig ng gabi. Tayo’y hindi lang katulong, tayo’y mga BAGONG BAYANI

Mapalad tayong mga nagpapadala ng pera sa Pilipinas, mga halos wala nang maitabi para sa sarili mapagtapos lang at magkaroon ng magandang buhay ang ating pamilya at ang inyong mga anak. Tayo’y hindi lang katulong, tayo ay MABUTING MAGULANG

Mapalad tayong katulad ni Kristo na sa araw-araw na nagpapa-alipin, kinukutya at nagpa-pasan ng krus. Tayo’y hindi lang katulong, tayo ay mga TUNAY NA BANAL.

 

 

Facebook
Twitter
Pinterest
LinkedIn
Email
Print
Related Articles

A journey of a new life

“There is a time for everything and a season to every activity under the heaven”. This is a verse from the Bible which has really encouraged and helped me for

Who Will Be The Magic Five?

WHO ARE YOUR PICK FOR THE MAGIC FIVE? Yes, we are talking about the Tinig Pinoy’s Calendar Girl 2021 Grand Finals. The competition is extremely close as TEN BEAUTIFUL WOMEN

KASARINLAN 2021 VIRTUAL CONCERT

Isang lahi, isang bansa, isang pangarap: Masagana, Matiwasay at Maligayang Buhay. Yan ang adhikain ng maraming Pilipino saang bahagi man ng mundo siya naroroon. Kabayan, samahan po ninyo kami sa

30 YEARS AND COUNTING

Proud to share this simple memento of Tinig Pinoy’s 30 years TINIG PINOY’s 30TH Anniversary Celebration is happy to share to everybody the souvenir program produced especially for this occasion.