OPM: Kahit Saan, Kahit Kailan
Error

Korapsyon Sa Ating Lipunan – Chel-ai Deocampo

Kasabay ng kalamidad ang syang pag usbong ng mga katiwalian walang humpay na paratangan malinis lang ang kanya kanyang pangalan.

Ngunit kung ating tatanungin ang ating sarili sino ba ang nagluklok sa kanila upang mailagay sa kanilang puwesto hindi ba’t tayo?  Tayong mga mamayan ang isang dahilan kung bakit may korapsyon sa ating lipunan, kung atin lamang kilalanin ang tunay na iboboto ,sana hindi tayo niloloko ng harap harapan.

Pilipinas numero uno sa krimen ,nakawan at kupitan tayo na yata ang maituturing na may pinakamahinang sistema ng gobyerno. Simula ba naman sa matataas na tao hanggang sa ordinaryo ay may katiwaliang nagaganap. Sa panahon ngayon hindi na uso ang maging tapat ,makatao at makabayan sa kadahilanang hindi tayo nagiging tapat sa ating bayan sa simpleng pagtanggap ng suhol tuwing eleksyon, pangongotong at pag sunod sunuran sa gusto ng mga gahamang opisyal ng gobyerno.

Tila tayong mga mamayang pilipino ay wala ng pagkakaisa dahil sa pinapairal nating pag-uugali na tinatawag na “kanya-kanya” o makasarili, walang pakialam kung meron maapakan ,may mamatay at masasaktan na dulot ng mga desisyon na hindi pinag isipan dahil sa kagustuhang masunod lang ang pangangailangan.

Kung tutuusin madami tayong magagawa na mabuti at tumulong sa kapwa na walang hinihinging kapalit wag pairalin ang puro pera lamang ang mahalaga sa atin. Lagi nating iisipin ang ating hahantungan dahil sa paggawa ng hinde tama na ayon sa batas ng higit na makapangyarihan sa lahat.

Natatandaan niyo pa ba ang massacre sa maguindanao kung saan madaming mang hahayag ang namatay na naging simula ng pagkabuking ng katiwalian ng mga Ampatuan .Mga media at radio announcer na sana nakatulong sa pag hatid ng balita, ehemplo ng pagbabago ay nawakasan ang kanilang buhay.

Kaya bilang isang katinig at isang simpleng indibidwal tayo’y maging matapang sa pagsugpo ng katiwalian katulad ng pagsumbong ng kasinungalingan at gawa-gawang kwento na walang katuturan, wag magpasilaw sa kayamanan dahil ang pera ng mga publikong nanunungkulan ay galing sa kaban ng bayan.

At ating ipamulat sa mga kasalukuyang kabataan na mahalaga ang kalinisan ng dignidad at may prinsipyong mamayan. Wag tayong tatahimik lamang sa isang sulok kung san di tayo nagkakaroon ng pagkakataon na marinig ang ating tinig dahil sa isang matagumpay na bayan bilang isang tao tayo ay may karapatan ihayag ang ating opinyon at kilalanin ang ating karapatan upang mabawasan ang katiwalian sa ating bayan.

Maraming salamat sa lahat ng mga katinig, sana my napulot kayong aral sa aking essay….

Mabuhay ang Tinig Pinoy Radio!!!! Kahit Saan Kahit Kailan Ikaw ang Number One.

Related Articles

Who Will Be The Magic Five?

WHO ARE YOUR PICK FOR THE MAGIC FIVE? Yes, we are talking about the Tinig Pinoy’s Calendar Girl 2021 Grand Finals. The competition is extremely close as TEN BEAUTIFUL WOMEN

KASARINLAN 2021 VIRTUAL CONCERT

Isang lahi, isang bansa, isang pangarap: Masagana, Matiwasay at Maligayang Buhay. Yan ang adhikain ng maraming Pilipino saang bahagi man ng mundo siya naroroon. Kabayan, samahan po ninyo kami sa

30 YEARS AND COUNTING

Proud to share this simple memento of Tinig Pinoy’s 30 years TINIG PINOY’s 30TH Anniversary Celebration is happy to share to everybody the souvenir program produced especially for this occasion.

On Tinig Pinoy's 30th the future is clear

Tinig Pinoy Celebrates 30th

After years of promoting our cultural heritage, undertaking community service-oriented actvities with the help of volunteers this long-running radio program in Canada’s capital is holding a Gala to celebrate with