OPM: Kahit Saan, Kahit Kailan
Error
Search
Close this search box.

Semana Santa: Sanaysay ni Annie Gabac para sa May Calendar Girl

Facebook
Twitter
Pinterest
LinkedIn
Email
Print

Simula nung bata ako namulat na ako sa tuwing Semana Santa ay ipinagdiriwang ng aming pamilya ang kaugalian na magdasal at magsiuwian ang mga nasa ibang bansa naming mga kamag-anak para lang ipagdiwang ang araw ng pagsasakripisyo ng ating mahal na Panginoong Hesukristo.

Para sa akin ang Semana Santa ay isang mataimtim na pagdarasal at pagpapasalamat sa ating mahal na Panginoong Hesukristo sa pagsalo nya ng ating mga nagawang kasalanan.

Ipinagdiriwang namin ito dahil ito ay minana pa namin sa aming mga ninuno namin na ang Semana Santa ay dapat igalang dahil ito ang araw ng pagtubos ng kasalanan ng sanlibutan.

Noong hindi pa ako isang OFW nakaugalian ko na rin ang pagsama sa prosisyon sa pamamagitan ng pagsisi ng mga nagawa kung kasalanan. Sa gabi ng Biyernes Santo nakaugalian na rin ng aking pamilya ang pagdalaw matapos ang pagkahaba-habang prosisyon at humalik sa katawan ni Hesus.

Tuwing Semana Santa nakaugalian na rin ng iba ang “Fasting”. Ang iba naman ay sumasama sa prosisyon at hinahampas ang likuran habang lumalakad sa daan at pagkatapos ng prosisyon ung iba nman ay nagpapapako sa krus para mabawasan ang mga nagawang kasalanan.

Sa ating mga Pilipino nakaugalian na rin natin ang paghahanda ng ibat ibang pagkain para iluluto sa araw ng Semana Santa. Higit sa lahat mangilin at magdasal at ikumpisal ang mga nagawang kasalanan.

Gumawa ng pagpapakasakit at magbagong buhay…

Facebook
Twitter
Pinterest
LinkedIn
Email
Print
Related Articles

A journey of a new life

“There is a time for everything and a season to every activity under the heaven”. This is a verse from the Bible which has really encouraged and helped me for

Who Will Be The Magic Five?

WHO ARE YOUR PICK FOR THE MAGIC FIVE? Yes, we are talking about the Tinig Pinoy’s Calendar Girl 2021 Grand Finals. The competition is extremely close as TEN BEAUTIFUL WOMEN

KASARINLAN 2021 VIRTUAL CONCERT

Isang lahi, isang bansa, isang pangarap: Masagana, Matiwasay at Maligayang Buhay. Yan ang adhikain ng maraming Pilipino saang bahagi man ng mundo siya naroroon. Kabayan, samahan po ninyo kami sa

30 YEARS AND COUNTING

Proud to share this simple memento of Tinig Pinoy’s 30 years TINIG PINOY’s 30TH Anniversary Celebration is happy to share to everybody the souvenir program produced especially for this occasion.