OPM: Kahit Saan, Kahit Kailan
Error
Search
Close this search box.

Semana Santa: Sanaysay ni Kt AnnMae Obeja para sa Miss May Calendar Girl

Facebook
Twitter
Pinterest
LinkedIn
Email
Print

Para sa akin Ang Semana Santa ay isang “TRADISYON” at pinakamahalagang relihiyosong debosyon para sa mga Pilipino bilang paggunita sa pagmamahal sa atin ng Panginoong Hesus, na syang dahilan ng kanyang pagka-pako sa krus.

Ang “PASYON” ay Ilan lamang sa mga gawain tuwing Semana Santa katulad rin ng pagdarasal sa mga estasyon ng krus (Via Crucis) at ang pagbisita sa iba’t-ibang simbahan (Visita Iglesia).

Ang mahabang “BAKASYON” ng Semana Santa ay magandang pagkakataon para sa mga pamilya na sabay na sariwain ang paghihirap ni Kristo dahil ito naman ay ginawa nya para sa atin.

Bilang kasapi ng Tinig Pinoy Radio, napakalaki ng magiging kontribusyon ng ating programa tuwing sasapit ang Semana Santa bilang pag papa-alala sa lahat kung gaano tayo minahal ng ating Diyos na nagpakasakit para tubusin ang ating mga kasalanan.

Tayong mga Katinig ay may iba’t – ibang paniniwala at pamamaraan kung papano mapatutunayan ang paniniwalang ito. Maaaring ito ay tama o mali sa paningin o pananaw ng ibang tao at organisasyon. Ngunit sa huli, hindi na mahalaga kung sino ang may tama o maling paniniwala.

Ang mahalaga ay kung ang mga ginagawa natin ay tunay na nakapagpapalapit sa atin sa ating Panginoon at tumatayong gabay na aayon sa pakikitungo natin sa ating kapwa.

Kaya’t mga katinig, halina’t ipagdiwang natin ang Semana Santa bilang pag-gunita sa pag mamahal sa atin ng ating Diyos na nagpakasakit para sa atin.

TINIG PINOY RADIO…Mabuhay!

Facebook
Twitter
Pinterest
LinkedIn
Email
Print
Related Articles

A journey of a new life

“There is a time for everything and a season to every activity under the heaven”. This is a verse from the Bible which has really encouraged and helped me for

Who Will Be The Magic Five?

WHO ARE YOUR PICK FOR THE MAGIC FIVE? Yes, we are talking about the Tinig Pinoy’s Calendar Girl 2021 Grand Finals. The competition is extremely close as TEN BEAUTIFUL WOMEN

KASARINLAN 2021 VIRTUAL CONCERT

Isang lahi, isang bansa, isang pangarap: Masagana, Matiwasay at Maligayang Buhay. Yan ang adhikain ng maraming Pilipino saang bahagi man ng mundo siya naroroon. Kabayan, samahan po ninyo kami sa

30 YEARS AND COUNTING

Proud to share this simple memento of Tinig Pinoy’s 30 years TINIG PINOY’s 30TH Anniversary Celebration is happy to share to everybody the souvenir program produced especially for this occasion.