01 March 2014, Saturday, 9pm to 12am Manila
DEAR DJ REGINA SHOW with Co Host Gio Alano
TOPIC: KUNYARING BINATA – BINAT NA PALA KUNYARING DALAGA – DALA NA PALA
Sa panahon ng cyber world, naglilipana ang free skypes, facebook, viber at marami pang iba upang lalong mapadali ang ating pakikipag kaibigan at pakikipagkilala sa mga tao kahit saan mang dako sila ng mundo naroroon. Maliit na nga ang mundong ating ginagalawan.
Ngunit, kasabay nito ay ang mga taong mapagkunwari. Nanliligaw at sinasabing binata daw sila. Nagpapaligaw dahil dalaga daw sila.
TANONG PO:
Nakatagpo na ba kayo ng binata or dalaga raw, pero may asawa at pamilya na pala?
Paano kung nalaman mo ito kung kailan inlove ka na sa kanya? Ano ang gagawin mo? Will you stay in the relationship?
Pano mo nalagpasan ang pagsubok na ito?
Ano ang maipapayo mo sa mga katinig upang maiwasan ang maloko ng mga taong nagkukunwaring binata or dalaga?